Tuesday, 26 March 2024

Kapangyarihan at Katarungan: Paglalakbay sa Maikling Kwentong "Utos ng Hari"

Ang rebyung ito ay nakapaksa tungkol sa maikling kwentong "Utos ng Hari" na isinulat ni Jun Cruz Reyes. Matutuklasan sa blog na ito ang iba't ibang perspektibo ng tao. Maihahayag rin dito ang hindi patas na sistema ng isang sektor sa lipunan


https://www.pinterest.ph/pin/514747432405210308/


Introduksyon

 Sa kwentong “Ang Utos ng Hari” na isinulat ni Jun Cruz Reyes noong 1981 na inilathala muli ng UP Press sa taong 2002 ayon sa pag-aaral ni Baloro (2017). Ito ay ang isang makabagong maikling kuwento na nagtutuklas sa mga konsepto ng katarungan, kapangyarihan, at kahirapan sa lipunan. Ipinapakita dito ang tunay na buhay ng isang estudyante sa loob ng paaralan at ang mga iba’t ibang katangian ng mga guro na nagsisilbng tagapamahala sa eskwelahan.

Nakatuon ang kwentong ito sa dalawang magkaibang pananaw ng mga tao at magkaibang henerasyon. Umiikot ang kwento sa buhay na naranasan ni Jojo habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo. At kung ano-ano ang kaniyang mga nararanasan habang siya ay nag-aaral sa malayong lugar sa kanilang probinsiya at kung ano ang kaniyang mga naidiskubre sa kaniyang mga guro habang siya ay pumapasok. Dumadaloy ang kwento sa mga ugali at mga katangian ng mga guro sa kanilang mga estudyante, kung paano nila ito tinatrato base sa kanilang mga iba’t ibang pananaw at pagmamasid.

Sa pangkalahatan, sa panig ng mag-aaral, gusto niyang maunawaan at igalang siya ng guro, anuman ang kanyang pagkatao, ngunit sa panig naman ng mga guro, nangangahulugan ito na ang kanyang panulat, pag-iisip, at paghuhusga ay ipinapakita lamang nito kung gaano ito kalakas. Sinasalamin din nito ang agwat ng pag-iisip sa pagitan ng kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan. Ang kwentong “Utos ng Hari” ay sumasalamin sa ating lipunan sapagkat ito ay kasalukuyang nagyayari at patuloy na ating hinaharap.

 

 

Buod

Buhay-estudyante ang tuon ng kwento ni Jun Cruz Reyes. Sa mga karansan,kaisipan at saloobin ng pangunahing tauhan na si Jojo umikot ang kwento. Naipakilala nito ang pangunahing tauhan bilang isang estudyante na pasaway sa mata ng mga guro. Naipapakita din dito kung paano ang buhay ng mga estudyanteng nakulong sa isang mataas na pamantayang paaralan at umiikot sa isang mag-aaral na nagngangalang Jojo na malapit nang pinalayas sa kanyang paaralan.

Ang paaralang pinapasukan ni Jojo ay isang boarding school na puno ng mga iskolar at estudyanteng may malawak na kaalaman o nagmula sa isang mayamang pamilya, kabilang sa mga estudyanteng ito ay si Jojo, isang matalinong estudyante na itinuturing ng kanyang guro bilang isang "masamang estudyante" dahil lagi siyang nahuhuli sa klase at sumama sa kanyang mga kaibigan sa likod ng paaralan upang uminom at manigarilyo. Sapagkat sa kabila ng lahat ng mga bagay na ito, si Jojo ay talagang isang matalino at magalang na mag-aaral na may magagandang ideya na nais niyang ibahagi ngunit natatakot na siya ay hindi papansinin. Ipinakita rin ng mga guro sa kanyang paaralan kung paanong ang mga guro ay parang mga pagkahari habang ang mga mag-aaral ay tila mga utusan, dito nagmula ang pangalan ng kwentong "Utos ng Hari". Ang mga guro sa paaralan ni Jojo ay naghihigpit sa mga mag-aaral na sabihin lamang ang mga bagay na gusto ng mga guro at hindi sila pinapayagang magsalita para sa kanilang sarili.

Pinakita sa kwentong ito kung gaano hindi patas ang sistema ng edukasyon dahil ang mga guro ay umabuso sa kapangyarihan. Ang kwento ay patungkol sa hari ng isang lugar at ito ay utos ng utos sa kaniyang mga alipin na ang mga estudyante, na hindi ini-isip ang kapakanan ng kaniyang nasasakupan, na ang mga guro sa nasabing kwento. Ito ay patungkol sa pananaw ng mga estudyante sa kanilang mga guro at pananaw ng mga guro sa kanilang mga estudyante.

 

 

Personal na Repleksyon

Sa maikling kwento, mapagtanto mong may mga tao sa mundo na tulad ng mga guro sa kwento na umaabuso sa kanilang kakayahan. Ang mga guro sa kwento ay mga hari na insensitibo na walang pakiramdam sa kung ano ang kahahantungan ng kanilang mga mag-aaral sa mga pinagpapasiyahan nilang mga hantol Besana (2019). Sa aking palagay, nabibigyan ng diin ng kwento ukol sa pagiging tapat ng mga tao sa kanya kanyang mga prinsipyo kahit na’y hindi tama at makatarungan.

Kagaya ng pagpapasya ng mga guro sa isang estudyante na sa kabila ng madalas na pagliban nito sa klase, ay binigyan pa rin nila ito ng mataas na marka dahil maitsura at doktor ang ama. Samantalang si Minyong, isang ethnic minority na mag-aaral na natutong magsalita ay hinatulan ng mga gurong ipaalis sa paaralan dahil siya raw ay isang baliw at mangmang. Para sa akin, hindi tama ang kanilang ginawang mga hatol sapagka’t hindi ito patas sa mga estudyante. Wala silang karapatang ibase ang kakayahan ng isang estudyante sa kanilang katayuang panlipunan o social status. Ayon sa isang linya ng isang palabas na ukol sa maikling kwentong “Utos ng Hari” ay hindi porket ikaw ang guro ay palagi kanang tama at masusunod.

Masakit isipin na ang isang inosenteng mag-aaral ay itatakwil dahil lang sa maling pamantayan ng awtoridad sa paaralan. Hindi binigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong depensahan ang kanilang mga sarili dahil sa tingin ng mga guro sa kwento ay sila na ang pinaka tama. Sa pag-unawa ni Valencia (2021), karapatan natin bilang tao at mamamayan na magkaroon ng malayang pagpapahayag sa ating damdamin at saloobin.

Kahanga-hanga ang konsepto ng pagsulat ng may akdang si Jun Cruz Reyes sa kanyang maikling kwentong “Utos ng Hari”. SInasalamin ng kanyang isinulat ang totoong pangyayari sa tunay na buhay. Ipinapaalala sa atin sa kwento na wala sa ranggo ng isang tao sa lipunan ang kanyang halaga. Ang bawat tao ay dapat nating respetuhin at tratuhin ng pantay anuman ang kanyang pagkatao; mayaman man o mahirap, bata man o matanda, may awtoridad man o wala. Ibinibukas ng kwento ang ating mga mata sa maling pamantayan na umiiral sa totoong buhay.

 

 

Kritikal na Pag-aanalisa

Ang papel na ito ng pagsusuri ay magiging mahalaga para sa mga guro sa hinaharap. Ang gawaing ito ay nagbibigay ng mga natatanging halimbawa ng mga saloobin at estratehiya ng mag-aaral na ginamit at ginagamit pa rin ng ibang mga guro ayon sa panaliksik ni Baloro, Nessa (2017). Ang kwento ng akda na si Jun Cruz Reyes ay nakatuon sa buhay estudyante at ang kanilang mga karanasan sa kanilang pag-aaral.

Umiikot ang kwento sa mga karanasan, kaisipan, at ugali ng pangunahing tauhan na si Jojo. Nailarawan ni Reyes ang pangunahing tauhan bilang isang mag-aaral na pinagalitan ng kanyang guro. Sa kwento ay nagiging malinaw na siya ay may gawaing hindi nagugustuhan ng kanyang mga guro. Bukod pa riyan, mahilig din si Jojo na gumawa ng mga nakakainis na bagay at subukan ang kanyang kakayahan sa guro. Isa siya sa mga estudyanteng maraming gustong sabihin pero walang karapatang sabihin kaya kailangan niyang itago ito sa sarili niya. Madalas gusto nating ipahayag ang ating nararamdaman, ngunit hindi natin magawa dahil alam nating hindi sila makikinig. Kung marinig man ang kanyang opinyon, alam niyang hindi ito papansinin. Pinagsasabihan siya palagi sa kanyang mga aksyon. Naiinis siya, pero alam niyang hindi niya kayang talunin ang guro, kaya pinilit niyang ngumiti.

Malinaw sa kwento na kahit na pasaway na estudyante si Jojo ay nagagawa pa rin niyang makinig at kahit papaano ay nagpapakita ng paggalang sa kanyang guro. Masasabi nating matalino siyang estudyante dahil kaya niyang punahin ang guro. Marami  gustong patunayan si Jojo sa sarili niya at sa mga nakapaligid sa kanya. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Iyon ay dahil alam niyang hindi tatanggapin ng mundong ginagalawan niya ang mga hakbang na gusto niyang gawin. Ang kwentong isinalaysay ay nagpapakita ng iba`t ibang mukha at kagangian ng mga guro. Si Ms. Moral Character, isang moral na tao na nagtuturo ng mga agham panlipunan, inaasahan niyang ang kanyang mga mag-aaral ay palaging magbibigay ng tama at may batayan na mga sagot sa mga talakayan. Siya ay sinasabing may moral na katangian dahil lagi siyang nangangaral, kaya`t may kaalaman. Hindi ito sinasabi na siya ay isang ‘‘kalaban‘‘. Ito ay dahil gusto niyang matuto ang kanyang mga estudyante. Nais nilang sundin ang kung ano ang pinaniniwalaan nilang tamang landas, kaya palagi silang nagpapaalala sa wastong kagandahang-asal.

Ang Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes ay nagpapakita ng reyalidad ng buhay paaralan. Isang pasaway na buhay estudyante kasama ang pasaway na tropa. Ang katotohanan na ang mga mag-aaral na pinagsabihan ay sumasaway din sa kanilang mga guro ay nagbibigay sa amin ng isang magandang ideya ng kasalukuyang estado ng paaralan.

Bilang isang estudyante, nararamdaman ko ang nararamdaman ni Jojo. Mga mag-aaral na gustong kumawala sa mga hadlang ng tradisyonal na sistema ng edukasyon. Naintindihan ko rin kung ano ang gustong iparating ng karakter ng guro sa kwento. Bilang mga guro, ang gusto lang nila para sa ating mga mag-aaral ay matuto at gamitin ang lahat ng kaalamang itinuturo natin sa kanila.

 

 

Konklusyon

Bilang isang pangawakas, ang pag-aaral sa maikling kwento ni Jun Cruz Reyes na "Ang Utos ng Hari" ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-unawa sa mga konseptong panlipunan at pang-edukasyon. Ang kuwento ay naglalarawan ng mga hamon at pagbabago na kinakaharap ng mga guro at mag-aaral sa tradisyonal na sistema ng edukasyon (Kamalayang Kalayaan, 2011).

Sa pamamagitan ng mga karakter tulad ni Jojo, ipinapakita ang kakayahan ng tao na ipakita ang respeto at pag-unawa sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba. Ang papel na ito sa pagsusuri ay nagbibig-diin sa kahalagahan ng maikling kuwento bilang isang tool sa pagsusuri ng mga tema at mensahe kaugnay sa lipunan at edukasyon. Ipinapakita nito ang kakayahan ng mga kuwento na magbigay ng pag-unawa at pagbabago sa pananaw ng mga mambabasa, partikular na ng mga guro at mag-aaral.

Layunin ng pagsusuring ito na magbigay liwanag at inspirasyon sa mga taong nagsusumikap para sa pagbabago at pag-unlad sa kanilang mga komunidad at lipunan. Sa kasalukuyang panahon, kung saan ang kapangyarihan at awtoridad ay tila mas mahalaga kaysa sa moralidad at integridad, mahalaga pa rin na ipaalala sa atin ng mga kwento tulad nito ang halaga ng pagiging tapat at patas. Sa huli, ito ang magiging batayan ng ating integridad at dignidad bilang tao, na higit na mahalaga kaysa sa anumang kapangyarihan na maaring meron ka sa iyong larangan.


 

Aral

            Ang mga aral na matutunan sa kwentong "Ang Utos ng Hari" ay iba-iba depende sa interpretasyon ng mambabasa, ngunit ang isa sa pinakamahalagang aral ay maaaring ang kahalagahan ng pagsunod sa tamang paraan ng pagkilos at pagkilala sa katotohanan. Ang kwentong ito ay nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa na magsumikap para sa pagbabago at pag-unlad sa ating komunidad at lipunan.

 


Hamon

            Iba't ibang hamon ang matutuklasan sa kwentong ibinahagi na pinamagatang "Utos ng Hari". Hamon nitong maunawan ng mga mambabasa ang ang mga kahalagahan ng bawat aksyon ng kanino mang tao. Ang pag-unawa sa kwento patungkol sa mga mahahalagang ipinahiwatig nito sa bawat tao lalong lalo na sa mga mag-aaral.

            Hinahamon ang bawat mambabasa na intindihin ang nais ipahawatig ng kwento at kung paano ito makatutulong sa kanilang pananaw. Na kung ano ang dapat at hindi dapat gawain ng isang estduyante sa loob ng paaralan. Hamon nitong mas palawakin ang kaalaman upang magkaroon ng mas pagkakaunawan ang bawat isa.



Mga Sanggunian

Baloro, Nessa “Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes” In-access noong Marso 20, 2017. https://www.slideshare.net/nessa-baloro/pagsusuri-sa-akdang-utos-ng-hari-ni-jun-cruz-reyes

Bartleby Research “Utos Ng Hari Summary.” https://www.bartleby.com/essay/Utos-Ng-Hari-Summary-PJBC5GZUMKU

Besana, A. (n.d.). PAGSUSURI SA UTOS NG HARI. Scribd. https://www.scribd.com/document/444563523/PAGSUSURI-SA-UTOS-NG-HARI

Course Hero “SUMMARY Ang utos ng hari na sinulat ni Jun Reyes” In-access noong Enero      31,2024.https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.coursehero.com%2Ffile%2F54139466%2FSUMMARYdocx%2F%3Ffbclid%3DIwAR1-N6iLSsOsGqeymAJW7qaBCO4ySqCKMY9NYqI4qZNRitiaEjvAGTQMPmU&h=AT1MhpUb4lbcJSE3lmKm84Vbh8KygRQfEnIvYM2qW0nTwRdSb9odzsjQIilrjybGQ47-WzTR0BB2z68FueqbKAyVN1qozsnLNU0S-KcBX5WT3ncwQB2mnQc4SuH5rhh5P4kZ5Z-8oERKdePmmUpdMA

Kamalayang Kalayaan (2011) “Maikling Kwento ng Utos ng Hari.”       https://kamalayangkalayaan.wordpress.com/01-maiikling-kuwento/utos-ng-hari/

K. C. (2023, May 25). Utos ng Hari (Part 2) | Pahina. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=ymaej2IAk6g

Valencia, A. J. (n.d.). Utos Ng Hari. Scribd. https://www.scribd.com/document/366705508/Utos-Ng-Hari

 

 

Ipinasa nina:

            Babanto, D’Vaughn

            Comayas, Kerby

            Castro, Nathania

            Landicho, Rosh

            Omamalin, Avalyn

 

Ipapasa kay:

            Lovelyn O. Barotas, PH.D.

4 comments:

Kapangyarihan at Katarungan: Paglalakbay sa Maikling Kwentong "Utos ng Hari"

Ang rebyung ito ay nakapaksa tungkol sa maikling kwentong "Utos ng Hari" na isinulat ni Jun Cruz Reyes. Matutuklasan sa blog na it...